Wednesday, August 17, 2011

Sa CLSU..where difference is created..:)

                           Ang CLSU ay isang  658 hectares na campus, ito ay matatagpuan sa Gitnang Luzon.Isa sa university na kilala hindi lamang sa Pilipinas pero pati sa South East Asia na din, dahil sa kanilang researches tungkol sa aquaculture,agriculture pero ngayon nadagdagan na ito nakasama na dito ang engineering,education, at madami pang ibang kursong kilala.

                           Para sa akin, napaka laking priveledge ang maging parte at makapag aral sa university na ito.Sa totoo lang noong High School pa lang ako  ay wala talaga akong balak na mag aral dito,sa tingin ko kasi ay boring at puro bukid ngunit dahil na rin sa kahirapan ng buhay at ayaw nadin mapalayo sa pamilya eh mas pinili ko na ang mag aral dito.Nung nagtake ako ng exam eh late na nga ako na dumating  eh isa pa ay  hindi man lang ako nakapaghanda na nagreview o magbasa man lang ng kahit ano,kaya wala akung naging choice kundi gamitin ang stock knowledge ko sa mga oras na yun.Ayun nga at ng dumating ang resulta ay hamakin mong nakapasa pa ako, natuwa naman ako at hindi ako bumagsak.Dumating na nga ang enrollment,at nakahanda naman lahat ng kailangan ko hindi man alang ako sinamahan kahit sino man,habang yung ibang nag eenroll eh kasama ang kanilang mga magulang pati buong pamilya pa yta,pero di ako nawalan ng pag asa nun at tinapos ko lahat ng dapat gawin para makapag enrol sa university na ito,at sa wakas ay natapos ko naman lahat yun sa tulong ng aking sarili at dahil nadin sa aking pagtatanong kung may hindi alam na bagay,dahil may kasabihan din tayo na "matalino ang nagtatanong".Pagkatapos ng enrollment,makalipas ang ilang linggo ay pasukan na pala.

          
                            Naaalala ko noon,first day of classes,EN-9 pala ang section ko,wala pang ginagawa,hindi pa umaattend yung ibang mga proffesor siguro ay tinatamad pa  na  umattend sa ibang klase nila.Unang kita ko pa lamang sa mga classmate ko ay mukang mga loko sila,mukang mga di magpapahuli ng buhay,mga mukang walang alam gawin kundi ang mang bully.Dahil dun,syempre ang mga kasama at kausap pa lang nun ay yung mga kakilala na  classmate dati.Naging masaya naman ang pagkakapunta ko sa section na yun,may sense of humor pala ang mga classmate ko kaya hindi na din ako naiinip.Kinalaunan dumaan ang maraming araw,maraming linggo at buwan eh hindi ko namalayan na nag eenjoy na pala ako na pumasok sa eskwelahan na ito siguro nadala na din ako sa mga kalokohan ng mga  kaeskwela ko at marami rami na din kasi akong mga na kaclose sa aming klase, ako ay ginanahan ng pumasok naisip ko talaga na kahit na mukang di mapagkakatiwalaan pala ang aking mga classmate ay mapapasaya naman pala nila ako at magiging parte sila ng aking buahy,at dahil diyan nagkaroon ng panibagong chapter sa pagiging college student ang aking buhay dahil sa mga nakilala kong mga bagong kaibigan,kaya naman ito ay idinededicate ko para sa aking mga unang naging kaeskwelang makwela't mga masasayahin.




EN9-EN7

No comments:

Post a Comment